Manila, Philippines – Malamig na panahon ang asahan sa northern Luzon dahil sa hanging amihan.
Umiiral naman ang easterlies sa silangang bahagi ng Visayas at Mindanao.
Magbighani sa Kapurpurawan rock formation sa Ilocos Norte habang may kalat-kalat na pag-ulan sa lalawigan kasama ang Cordillera, Cagayan Valley at Aurora.
Maligo sa Cambugahay Falls sa Siquijor habang uulalin ito kabilang ang Cebu, Bohol at Silangang kabisayaan.
Magtago sa tinago falls sa iligan kung saan asahan ang isolated rainshowers at thunderstorms sa northern Mindanao, Caraga at Davao region.
Sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa ay magiging maulap ang panahon.
Samantala, nagkansela na ng flights ang Cebu Pacific at PAL Express dahil sa sama ng panahon.
Kabilang ang sumusunod:
5j 321/322 (Manila-Legazpi at pabalik)
2p 2014/2015 (Manila-Tuguegarao at pabalik)
Kasunod nito, pinapayuhan ang mga pasahero na may kanseladong flight na makipag-ugnayan sa nabanggit na airline company para sa re-booking o refund ng kanilang pamasahe.