Napanatili ng typhoon Ompong ang lakas nito habang nasa Philippine Sea.
Huling namataan ang bagyo sa layong 875 kilometers silangan ng Virac, Catanduanes.
Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging nasa 205 kph at pagbugsong nasa 255 kilometers per hour.
Kumikilos ito pakanluran sa bilis na 30 kph.
Nakataas ang tropical cyclone warning signal number 1 sa:
Cagayan
Isabela
Kalinga
Mt. Province
Ifugao
Nueva ecija
Quirino
Burias
Ticao island
Aurora
Quezon Province (kasama ang Polillo Islands)
Camarines Norte
Camarines Sur
Albay
Sorsogon
Catanduanes
Ayon kay DOST-PAGASA Senior Weather Specialist Chris Perez, asahang mararamdaman na ang ulang dala ng bagyo sa mga nabanggit na lugar.
Inaasahang tutumbukin ng bagyong Ompong ang hilagang Luzon.
Partikular na tatamaan ng bagyo ay ang Cagayan at Batanes area.
Pinalalakas nito ang hanging habagat.
Nag-abiso rin ang PAGASA na delikadong maglayag sa hilaga at silangang baybayin ng Luzon, silangang bahagi ng Visayas at hilagang-silangang bahagi ng Mindanao.