BILI NA! | Apple Inc., inilunsad ang mga bagong modelo ng iPhones at Apple watch

Inilunsad na ng Apple Inc. ang mga bagong bersyon ng kanilang iPhone at Apple watch base sa disenyo ng mga kasalukuyang phone models.

Ayon kay Philip W. Schiller, Senior Vice President, Worldwide Marketing ng Apple, ang bago nilang mobile device ay ang iPhone XS na may 5.8 inch screen, iPhone XS Max na may 6.5 inch screen.

Ipinakikilala rin ang iPhone XR na gawa sa aluminum at may edge-to-edge liquid retina display.


Inanunsyo rin ang bagong Apple watch series 4 na may edge-to-edge display.

Nais ng tech company ang kanilang mga users na mag-upgrade sa mga bago, subalit mahal na mga device bilang paraan para mapalakas ang revenue bilang global demand sa smartphones.

Ginagamit ng Apple ang ‘S’ suffix kapag upgraded ang components ng device habang nananatili ang exterior design nito.

Facebook Comments