WEATHER UPDATE | TY Ompong, bahagyang humina matapos mag-land fall sa Baggao, Cagayan

Patuloy na humihina ang bagyong Ompong na huling namataan 30km ng kanluran ng Laoag City, Ilocos Norte na may bilis na 25 kilometer per hour.

Taglay nito ang lakas na 170 kph at pagbugso na aabot sa 260 kph.

Bagama’t papalayo na ang bagyong Ompong, dapat pa rin aniyang maging alerto ayon sa PAGASA, dahil patuloy na nararanasan ang malakas na hangin.


Tropical storm warning signal no. 3 ay nakataas pa rin sa Cagayan, kabilang ang Babuyan Group of Islands, Batanes, Ilocos sur, Ilocos Norte, La Union Mountain Province, Benguet, Ifugao, Kalinga, Apayao, Abra.

Signal no. 2 naman ang umiiral sa Isabela, Nueva Vizcaya, Pangasinan, Tarlac, Nueva Ecija, Aurora, Zambales, Quirino, Pampanga at Bulacan.

Habang signal no. 1 naman sa Bataan, Rizal, Metro Manila, Cavite, Batangas, Laguna, Lubang Island, Northern Quezon kabilang ang Polillo Island.

Facebook Comments