WEATHER UPDATE | Typhoon Queenie, nakalabas na ng PAR

Tuluyan nang nakalabas ng bansa ang typhoon Queenie.

Namataan ito sa layong 825 kilometers hilaga – hilagang silangan ng Basco, Batanes.

May lakas ng hanging nasa 120 kilometers per hour at pagbugsong 145 kph.


Nasa 25 kph ang bilis nito sa direksyong hilaga – hilagang kanluran.

Ayon kay DOST-PAGASA Weather Specialist Loriedin Dela Cruz – kahit walang bagyo ay magkakaroon pa rin ng mga panandaliang ulan sa dakong hapon o gabi.

Delikado naman maglayag para sa mga mangingisda at maliliit na sasakyang pandagat sa mga baybayin ng Batanes, Calayan at Babuyan Group of Islands, Ilocos Norte, Isabela at Cagayan Province.

Facebook Comments