Webinar kaugnay sa vaccination program at bagong variant ng COVID-19, isinagawa ng DepEd

Pinangunahan ng pamunuan ng Department of Education (DepEd) ang webinar kaugnay sa COVID-19 vaccine na programa ng nasyonal na pamahalaan at ang bagong variant ng sakit na COVID-19.

Ayon kay DepEd Undersecretary for Planning Service, Human Resources and Organizational Development Jesse Mateo, layunin nito upang mabigyan ng linaw ang papel ng kagawaran kaugnay sa vaccination program ng pamahalaan.

Sinabi rin niya na sa papamamagitan nito makakatulong ang DepEd sa pagpapaunawa sa publiko ukol sa mga ginagawang hakbang ng nasyonal na pamahalaan laban sa COVID-19.


Pakiusap niya sa mga dumalo na ibahagi sa kanilang pamilya at kaibigan ang tamang kaalaman ukol sa naturang sakit at sa bakuna na kanilang nakuha sa nasabing webinar.

Naging tagapagsalita ng nasabing webinar sina Dr. Beverly Lorraine Ho at Dr. Althea de Guzman ng Department of Health (DOH), kasama rin si Professor Nina Gloriani ng UP-Manila College of Public Health, at inorganisa naman ito ng DepEd-Disaster Risk Reduction and Management Service (DRRMS).

Matatandaang sinabi noon ni DepEd Secretary Leonor Briones na katuwang ang kagawaran sa awareness at information dissemination kaugnay sa COVID-19 vaccine.

Facebook Comments