Wedding plans nina Iza Calzado at Ben Wintle, aabutin pa raw ng isang taon

Showbiz – Hindi pa rin maka-get over sa kilig ang aktres na si Iza Calzado, dalawang linggo matapos na magpropose sa kanya ang British boyfriend niyang si BEN WINTLE.

Say ng 35-year old actress, feeling niya ay nasa “honeymoon stage” siya.

Para sa kanya, perfect ang timing ng kanilang engagement.


Pero nang tanungin na tungkol sa kanilang wedding plans, sinabi ni Iza na dinadahan-dahan daw nila ang pagpaplano na posibleng abutin pa ng isang taon.

Facebook Comments