Habal-habal driver binaril patay sa cot.city

Patay ang isang habal-habal driver matapos itong mabiktima ng pamamaril kahapong alas sais ng gabi sa Malibakao area barangay RH-4 cotabato city. Nakilala ang biktima sa pangalan Mohamad Dalandas Ali 27 anyos na nakatira sa 2nd street Don E. Sero ng lungsod.
Ayon sa inisyal na innisyal na inbestigasyon ng PP2, naghihintay lamang daw ng pasahero ang biktima sa lugar ng barilin ng hindi pa nakikilalang suspect, siyay nagtamo ng isang tama ng bala sa bunganga mula sa caliber 45 pistol.
Naisugod pasa hospital ng nagrespondeng kapulisan ang biktima ngunit siyay deneklarang dead on arrival ng mga doctor….Sa ngayon patuloy pang inaalam ng kapulisan kung sino ang mga suspect sa krimen at kung anu ang motibo.
Dahil sa insedente ay pinulong ng PNP ang mga habal-habal driver sa lugar.

Facebook Comments