Itutuloy bukas ng mga anchors ng ‘Laughter is the Best Magazine Show’ ng DZXL 558 Radyo Trabaho ang paghahatid ng premyong prepaid home Wi-Fi sa mga masusugid nating tagapakinig.
Ito ay para sa nagpapatuloy nating ‘Wi-Fi mo, Sagot ng Radyo Trabaho promo.’
Kabilang sa mga pupuntahan nina Vlogger Ems, Dyosa Yan at Kuya Glenny sina Carl Reymundo ng Camarin, Caloocan; Estela Clarin ng Punturin, Valenzuela; Renselle Manlangit ng Brgy. Addition Hills, Mandaluyong at Josephine Tapon ng Balut, Tondo, Manila.
Samantala, mamaya abangan ang panibagong draw para sa week 10 ng Wi-Fi mo, Sagot ng Radyo Trabaho promo dahil baka ang LBMS anchors na ang sumunod na kumatok sa inyong tahanan para sa maghatid ng premyo.
Kaya naman manatili lamang nakatutok sa ibat-ibang programa ng DZXL 558 Radyo Trabaho para sa tiyansang manalo.
Kapag narinig na ninyo ang jingle ng Radyo Trabaho ay agad na tumawag sa DZXL hotline 88822374 o mag-like lamang sa aming Facebook page na DZXL 558 RMN Manila at sundin lamang ang promo mechanics.