WHO, hinimok ang publiko na limitahan ang sexual partners kasunod ng Monkeypox surge

Hinimok ng World Health Organization (WHO) ang publiko na limitahan ang mga nakakatalik kasunod ng naitatalang Monkeypox surge sa buong mundo.

Partikular na tinukoy ng WHO ang mga lalaking nakikipagtalik sa kapwa lalaki na siyang pinakaapekto ng naturang virus.

Ayon kay WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus, ang pinakamabisang paraan upang laban ang infection ay ang bawasan ang exposure nito.


Mababatid na nagkaroon ng surge sa Monkeypox simula noong Mayo sa labas ng West at Central Africa na siyang matagal nang endemic ang virus dahilan para ideklara itong isang global health emergency noong July 23.

Samantala, umabot na sa mahigit 18,000 ang kaso ng Monkeypox mula sa 78 bansa kung saan mayorya pa rin ng kaso ay naitala sa Europa.

Facebook Comments