Ateneo de Manila University, gagawaran ng doctorate degree sa economics si dating Vice President Leni Robredo

108

Nakatakdang gawaran si dating Vice President Leni Robredo ng honorary doctorate degree.

Ito ay matapos inanunsyo ng Ateneo de Manila University (ADMU) na ipagkakaloob nila ang Doctor of Philosophy in Economics, honoris causa kay Robredo sa darating na August 27.

Kasabay rin ito ng commencement speech ni Robredo sa Batch 2022 ng Loyola Schools.


Ayon sa ADMU, ginagawaran ng honorary degrees sa mga taong nagbigay ng notable at invaluable advancements sa kanilang larangan.

Mababatid na nagtapos si Robredo ng kaniyang Economics degree sa University of the Philippines Diliman.

Facebook Comments