Magsasagawa na ng review sa susunod na buwan ang safety team sa mga datos ng anti-malarial drug na Hydroxychloroquine.
Ito ay matapos suspendihin ng World Health Organization (WHO) ang global trial sa gamot sa mga pasyenteng may COVID-19.
Ayon sa WHO, aalamin ng kanilang Data Safety Monitoring Board ang panganib at benepisyong makukuha sa paggamit ng Hydroxychloroquine.
Inaasahang ilalabas ang findings sa kalagitnaan ng Hunyo.
Nabatid na lumabas ang isang pag-aaral na inilathala ng British Medical Journal na “The Lancet,” na ang mga mataas ang tiyansang mamatay ang pasyente kapag ginamit ang Hydroxychloroquine.
Facebook Comments