Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na bini-verify pa ng World Health Organization (WHO), ang ulat nang panlalagkit ng mata at conjunctivitis ay kabilang sa mga sintomas ng Omicron sub lineage XBB.1.1.6 variant.
Ayon sa DOH, sa ngayon ang kabuuan ng mga sintomas ng COVID-19 ay lagnat, pagkapagod, pananakit ng lalamunan, pananakit ng ulo at katawan, pagkawala ng pang-amoy at panlasa.
Patuloy pa anila ang mga pag-aaral ng mga eksperto hinggil sa iba pang posibleng bagong sintomas ng COVID-19.
Nanindigan naman ang DOH, nananatiling manageable ang kaso ng infection sa bansa.
Facebook Comments