Naitala kahapon ng World Health Organization (WHO) ang “largest single-day” increase sa kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Ayon sa Director General ng WHO na si Tedros Adhanom Ghebreyesus, sa loob lamang ng 24-oras, nakapagtala sila ng 106,000 na panibagong kaso ng COVID-19.
Malaking bilang anila ito dahil halos 2/3 ay nagmula lang sa apat na mga bansa.
Labis naman ang pagkabahala ng WHO dahil patuloy pa rin ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 kung saan karamihan ay nagmula sa low at middle-income countries.
Sa ngayon, ayon sa COVID-19 tracker ng John Hopkins University and Medicine, aabot na sa 4.9-milyon ang kaso ng COVID-19 sa buong mundo kung saan 324,000 ang nasawi at 1.7-milyon ang nakarekober.
Facebook Comments