WHO, nakikita ang community transmission ng UK at South African variant sa NCR Plus

Nagkakaroon na ng community transmission sa NCR plus bubble ng COVID-19 variants mula sa United Kingdom at South Africa.

Ayon kay World Health Organization (WHO) Representative to the Philippines Dr. Rabindra Abeyasinghe, may mga batayan para paniwalaang nangyayari ang community transmission ng dalawang variants of concern sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal.

Sinabi rin ng WHO official na ang hindi pagtunton sa mga nagkakaroon ng variants ay bunga ng mahinang contact tracing.


Dahil sa bilang ng variants of concern, kailangang tanggapin na may posibilidad na nagkaroon na ito ng community transmission sa loob ng bansa.

Bukod dito, hamon din para sa Pilipinas ang limidatong kapasidad ng genome sequencing na nasa 700 samples kada linggo.

Nalalagay sa alanganing sitwasyon ang NCR+ area kahit nagkakaroon ng pagbaba sa kaso.

Isa rin sa posibilidad na ang mga variants ang dahilan ng paglobo ng kaso sa iba pang rehiyon.

Hinimok ng WHO ang Department of Health (DOH) na palakasin ang case finding ng Indian variant cases.

Ang WHO ay nagpadala na ng team of experts para ma-assess ang transmission ng variants of concern sa bansa.

Nakikipagtulungan na sila sa DOH at sa Philippine Genome Center para palakasin ang genomic biosurveillance.

Facebook Comments