Vaccine rollout sa mga lugar na liblib at magulo, mabagal – DOH

39

Mabagal ang rollout ng COVID-19 vaccines sa ilang lugar na malalayo o apektado ng gulo.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, halos lahat ng rehiyon sa bansa ay umaayos na ang pagsasagawa ng pagbabakuna.


Pero may ilang lugar aniya sa bansa ang nakakaranas pa rin ng ilang hamon tulad sa Bangsamoro Autonomous Region.

Pagtitiyak ni Vergeire na marami pang bakuna ang darating sa bansa at pinaiigting nila nag education campaign para matugunan ang vaccine hesitancy.

Facebook Comments