WHO, suportado ang pagbabakuna sa mga batang edad 12 hanggang 17

Suportado ng World Health Organization (WHO) ang pagbabakuna sa mga kabataan mula edad 12 hanggang 17.

Ayon kay WHO Representative to the Philippines Dr. Rabindra Abeyangsinghe, maaari itong gawin basta’t rehistrado at aprubado ng Food and Drug Administration (FDA) ang ituturok na bakuna sa mga kabataan.

Gayunman, nagpaalala si Abeyangsinghe na maaari lamang turukan ang lahat ng mga kabataan sa nabanggit na mga edad kung nabakunahan na ang mga indibidwal na mas delikado kontra COVID.


“There are people suffering from health conditions that require prioritizing them. Once we know that effective vaccines but this should not be for the general population of 12 – 18 years old. From a general population perspective, we need to protect the elderly as priority and once those groups are adequately protected with to the younger age groups,” ani Abeyangsinghe.

Facebook Comments