Widespread power outage, malabong mangyari kahit pa tumataas ang demand sa kuryente ngayong tag-init – DOE

Malabo umanong mangyari ang widespread power outage kahit pa tumataas ang demand sa kuryente ngayong tag-init.

Ngayon ay may sapat pa ring suplay ng kuryente sa bansa kahit pa naramdaman na mas tumaas ang porsiyento sa paggamit ngayong pagpasok ng summer season.

Ayon kay Department of Energy–Electric Power Industry Management Bureau (DOE-EPIMB), Asec. Mario Marasigan mayroon pang sufficient reserve na suplay ang Pilipinas pagdating sa electric concern.


Aniya, kung saling lumagpas man ang publiko sa pinaka-limit na ay maaaring malagpasan din ng projection ang pinakamalaking demand partikular na sa Luzon dahil sa patuloy na pagtaas ng temperatura o init ng panahon.

Kasunod nito, nagpalabas na ng advisory ang ahensya at nagpa-activate na ng ventilating measures para pa rin sa pagtitipid ng mga consumer sa paggamit ng kuryente.

Binigyang diin din ng DOE na pinaghahandaan nila ang lahat ng maaaring mangyari kung sakaling magkaroon ng rotational brownout.

Samantala, pinag-iisipan na ring alternatibong paraan ang paggamit ng diesel power plant o paggamit ng diesel kung sakaling magkakulangan sa suplay.

Facebook Comments