Ikinaaalarma ngayon ng mga mamamayan sa iba’t ibang panig ng mundo ang malawakang wildfire sa Amazon.
Sa ulat ng National Institute for Space and Research, tumaas ng 84% ang bilang ng sunog sa kagubatan ngayong 2019 kumpara noong 2018.
Sinisisi naman ng mga conservationists si Brazil President Jair Bolsonaro sa kinahinatnan ng Amazon dahil sa umano’y paghikayat nito sa mga illegal logger.
Ayon pa sa ilang scientists, bumilis ang pagkalbo sa rainforest mula nang maupo si Bolsonaro.
Ang Amazon ay ang pinakamalaking rainforest sa mundo na nagpapabagal sa paglala ng global warming.
Tahanan din ito ng higit tatlong milyong species ng hayop at halaman at maging ng isang milyong indigenous people.
Samantala, nagdeklara na ng state of emergency ang State of Amazonas dahil sa wildfire.