Win-win solution para sa WPS, iminungkahi ng isang kongresista

Manila, Philippines – Inirekomenda ni Ako Bicol Party-list Representative Alfredo Garbin ang isang win-win solution para maresolba ang usapin sa agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.

Ayon kay Garbin, bagamat suportado niya ang pahayag ni Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio na para lamang sa mga Pilipino ang marine resources, dapat aniyang kilalanin ang verbal agreement ng government officials sa China at Vietnam hinggil sa pagpayag na dumaan ang kanilang mga barko at fishing vessels sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa.

Magkagayunman ay dapat tukuyin ang parameters at protocols sa pamamagitan ng bilateral o multi-party written agreements upang mas maging malinaw kung ano ang mga ipinagbabawal na aksyon sakaling nasa loob ng EEZ ang mga ito.


Suhestyon pa ng mambabatas, para mapahupa ang tensyon ay maaaring magkaroon na lamang ng common fishing grounds sa labas ng EEZ ngunit papayagan naman ang foreign fishing vessels na dumaan.

Sa huli, binigyang-diin nito na ang sigalot sa West Philippine Sea ay hindi usaping pangmilitar kundi isang civilian law enforcement kaya hindi na kailangang manggipit o gumawa ng karahasan.

Facebook Comments