Manila, Philippines – Sinira ng Bureau of Customs (BOC) ang 22-milyong pisong halaga ng mga pekeng sigarilyo at iba pang kontrabando na kanilang nasabat sa Manila International Container Port.
Mismong si Customs Commissioner Isidro Lapeña ang nanguna sa pagwasak ng 800 pakete ng Mighty, Philip Morris at Magic.
Idinaan naman sa shredding machine ang mga pekeng Louis Vuitton bag, rubber shoes, clothing apparels, tsinelas, make up tools at iba pang accessories.
Nilinaw ni Lapeña na maituturing nang abandonado ang mga kargamento dahil walang goods declaration at hindi nagbayad ng buwis ang consignee nito na zafari.
August 2017 pa nang dumating sa bansa ang mga produkto na walang import permit mula sa Intellectual Property Office at Food and Drugs Administration.
Tiniyak naman ni Lapeña na magiging regular basis na ang kanilang pasira ng mga pekeng sigarilyo at iba pang smuggled goods, alinsunod sa mandato ng Department of Finance.