Binuweltahan ng actress-turned-beauty queen na si Teresita Ssen “Winwyn” Marquez ang isang basher.
Noong April 28 ay nag-post si Winwyn sa kanyang Instagram account ng isang larawan kasama ang iba pang mga beauty queens tulad nina Laura Lehmann (Miss World Philippines 2017), Sophia Senoron (Miss Multinational Philippines 2017), at Cynthia Thomalla (Miss Eco Philippines 2017).
Ngunit may isang netizen na minaliit at ikinumpara ang sinalihang pageant ni Teresita noong nakaraang taon sa “Suffer Sireyna”, isang gay pageant sa noontime show na Eat Bulaga. Ayon pa sa netizen, wala raw “weight” ang napanalunang titulo ni Winwyn.
Sagot niya sa basher, “Sali ka sa pagent na to’ then make sure manalo ka ah since ‘no weight na pageant’ so madali lang. ”
Si Teresita ang kauna-unahang Pinay na sumali at nag-uwi ng titulong Reina Hispanoamericana 2017 noong December 2017.