Withdrawal form para sa mga nais bawiin ang kanilang lagda sa People’s Initiative, inilabas ng Comelec

Naglabas ang Commission on Elections (Comelec) ng form para sa mga nais bawiin ang kanilang pirma sa People’s Initiative for Charter change.

Ayon sa Comelec, ito ay bilang pagtugon sa hininging proseso ni Senator Bato dela Rosa sa pagbawi ng pirma.

Matatandaang sinabi ni Dela Rosa sa Senate Committee Hearing on Electoral Reforms and People’s Participation, na may mga indibiwal na nagpahayag ng kanilang intensyon na bawiin ang kanilang mga lagda sa signature sheets ng People’s Initiative.


Maaaring makuha at isumite mismo ang naturang form sa Offices of the Election Officer (OEOs) sa buong bansa.

Nilinaw naman ng Comelec na ang pagtanggap nila sa withdrawal form ay para lamang sa mga layunin ng pagtatala at hindi dapat ituring bilang pormal na aksyon ng komisyon sa mga petisyon para sa People’s Initiative.

Facebook Comments