Pagpapatigil sa imbestigasyon sa People’s Initiative, hindi matiyak ni SP Zubiri

Hindi magarantiyahan ni Senate President Juan Miguel Zubiri na titigil na ang imbestigasyon ng Senate Committee on Electoral Reforms and People’s Participation sa People’s Initiative para sa Charter change (Cha-cha).

Ito’y kahit pa nagkamayan at nagkasundo na sina Zubiri at Speaker Martin Romualdez sa ginanap na ika-100 kaarawan ni Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile kahapon.

Ayon kay Zubiri, hindi naman niya mapipigil ang chairpersons ng iba’t ibang komite sa kung ano ang gustong gawin sa mga imbestigasyon.


Magkagayunman, susubukan niya na kumbunsihin kung mahihikayat si Senator Imee Marcos na tapusin na ang pagsisiyasat sa People’s Initiative.

Pero hindi matiyak ni Zubiri ang pagpapahinto sa pagdinig sa PI dahil aniya’y nirerespeto pa rin niya ang committee process at ang bawat chairpersons ng mga komite.

Facebook Comments