Iminungkahi ni Parañaque 2nd District Representative Brian Raymund Yamsuan sa gobyerno at sa pribadong sektor na magpatupad ng work-from-home at online classes.
Suhestyon ito ni Yamsuan para matugunan ang matinding epekto ng inaasahang pagsipa ng presyo ng langis dahil sa nagpapatuloy na tensyon sa Gitnang Silangan.
Giit ni Yamsuan, dapat maging maagap ang mga hakbang para matulungan ang mamamayan na unang tatamaan ng epekto nang patuloy na pagtaas ng presyo ng langis kung magtagal pa ang krisis sa Middle East.
Ayon kay Yamsuan, unang makakaramdam ng fuel price shocks ang sektor ng transportasyon na magpapalala sa pinapasan ng publiko na mataas na presyo ng mga bilihin.
Facebook Comments










