Working conditions para sa mga Pinoy, dapat ayusin ng gobyerno – VP Robredo

Manila, Philippines – Nanawagan si Vice President Leni Robredo sa gobyerno na gawing prayoridad ang pagbibigay ng trabaho sa mga Pilipino sa bansa upang hindi na sila mangibang bansa.

Ito ang pahayag ng Bise Presidente kasunod ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hayaang makapagtrabaho sa bansa ang Chinese nationals upang maiwasan ang paghihiganti ng China kung saan may libu-libong Pilipinong nagtratrabaho roon.

Ayon kay Robredo – mainam na ayusin ang working conditions para sa mga Pilipino para hindi na sila pumunta abroad para makapaghanap ng trabaho at iwan ang kanilang pamilya rito sa bansa.


Isinusulong din ni Robredo ang pagkakaroon ng specialized jobs training para sa mga Pilipino upang hindi na mag-hire ng skilled workers mula sa ibang bansa.

Facebook Comments