World Bank nagbigay ng ayuda para sa Farm to Market Road Project sa Pangasinan

Lingayen Pangasinan – Tuloy tuloy ang rehabilitasyong isinasagawa sa 10.36 km Gonzales – San Juan Farm to Market Road (FMR) sa ilalim ng Philippine Rural Development Project (PRDP) na nagsimula noong 2017 pa. May kabuuang 1,749 ektarya ang nasasakupan ng nasabing proyekto.

Sa ngayon ang nasabing proyekto na pakikinabangan ng nasa 13,000 na mga beneficiaries mula sa 6 na mga barangay ng Umingan Pangasinan ay nasa 60% na ang natatapos. Nasa kabuuang 119.27 milyong piso ang halaga ng nasabing proyekto kung saan ay pinonduhan ng Department of Agriculture, Provincial Government of Pangasinan at 80% o nasa 89 milyong piso ang ayuda na mula sa World Bank.

Samantala dumating ang mga kinatawan ng World Bank sa pangunguna ni Frauke Jungbluth sa lalawigan upang personal na tignan ang proyekto at magkaroon ng konsultasyon sa mga beneficiaries na nagsimula noong June 6 at magtatagal hanggang June 8. Ilan din sa bibisitahin nila ang Yellow Granex Production, Consolidation and Trading Enterprise at Alcala Onion Growers Multi-Purpose Cooperative.


Umaasa ang Department of Agriculture at Provincial Government of Pangasinan na makakatulong ang nasabing proyekto sa mga magsasaka upang mapataas ang kanilang kita.

Facebook Comments