Kabilang si Pangulong Rodrigo Duterte sa Southeast Asian Leaders na kumpirmadong dadalo sa World Economic Forum (WEF) sa Vietnam sa susunod na buwan.
Ayon kay Justin Wood, Head ng Asia Pacific at miyembro ng WEF Executive Committee – ikinalulugod nila ang pagdalo ng mga delegasyo at Regional Government Leaders.
Pero maglalabas pa ang Malacañan ng pahayag hinggil sa pagdalo ng Pangulo sa WEF on Asean na nakatakdang gawin sa Hanoi sa Setyembre 11 hanggang 13.
Ayon sa WEF, ang iba pang regional leaders na kumpirmadong dadalo ay sina:
– Cambodia Prime Minister Samdech Techo Hun Sen
– Indonesia President Joko Widodo
– Laos Prime Minister Thongloun Sisoulith
– Malaysia Prime Minister Tun Dr Mahathir Bin Mohamad
– Myanmar State Counsellor Aung San Suu Kyi
– Singapore Prime Minister Lee Hsien-Loong
– Vietnam Prime Minister Nguyen Xuan Phuc
Itinuturing ang Asean bilang ‘bright spots’ ng mundo para sa economic growth.