Bumuhos ang pagbati mula sa world leaders sa pagkapanalo nina US President-Elect Joe Biden at Vice President-Elect Kamala Harris.
Kahit hindi pa tinatanggap ni Outgoing US President Donald Trump ang pagkatalo sa halalan, maraming world leaders ang nagpaabot na ng pagbati sa pagkapanalo ni Biden at umaasang magkakaroon ng magandang kooperasyon sa administrasyon nito.
Kabilang rito ang bansang Germany, France, Britain, Ireland, Greece, Italy, Spain, Israel, Iraq, Iran, Egypt, Jordan, Canada, Cuba, Australia, New Zealand, India, South Africa, Mexico, Indonesia, Singapore, Japan, South Korea, Thailand, at Pilipinas.
Samantala, sa unang pahayag nito matapos manalo, nangako si Biden nang agarang aksyon sa COVID sa Amerika.
Matatandang sinisisi ng mga kritiko si Trump sa magulong aksyon nito sa pagsugpo sa COVID-19.