India – May bago nang title holder para sa Guinness World Record na “Largest Display of Crochet Sculptures”.
Ito ay matapos na makagawa ng 58, 917 na crochet sculptures ang grupong mother India’s Crochet Queens gamit ang temang “Go Green, Save The Earth”.
Kabilang sa mga sculpture ay mga tao, planeta, mga puno, halaman, hayop, bundok at iba pang may kaugnayan sa kalikasan.
Ang titulo ay naagaw nila sa U.K.-based group na The Craft Club na nakagawa lang ng 13, 388 crochet sculptures noong 2014.
Pero bukod sa nasabing titulo, nasungkit din ng Mother India’s Crochet Queens ang mga Guinness title na “Longest Team-Made Crocheted Scarf” at “Largest Crochet Blanket”.
Facebook Comments