Xian Lim, naging emosyonal sa kanyang vlog

Courtesy: @xianlimm | Instagram

Emosyonal na ibinahagi ng aktor na si Xian Lim ang pinagdadaanan ngayon ng kanilang pamilya.

Ito ay matapos na ma-diagnosed na may breast cancer ang kaniyang maternal grandmother at kailangan nito sumailalim sa procedure na kung tawagin ay mastectomy.

Sa kanyang vlog, halatang pinipigilan ni Xian ang kanyang luha habang ibinabahagi na dadalhin nila ang kanyang 87-anyos na lola sa ospital para sa nasabing medical procedure.


Bagama’t malakas pa ang kanyang lola, sinabi ng aktor na hindi niya maiwasang mag-alala dahil sa uncertainties sa buhay, at meron talagang moments na hindi mako-control.

Dahil dito ay ipinayo ni Xian sa kanyang followers na sulitin at i-enjoy ang moments nito kasama ang kanilang mga pamilya at kaibigan.

Facebook Comments