Yasay, pinakakasuhan na

18

Manila, Philippines-Iginiit ni Magdalo Rep. Gary Alejano na kasuhan na si Foreign Affairs Sec. Perfecto Yasay.

 

Ito ay matapos na mapag-alaman na nitong 2016 lamang ni-renounce ni Yasay ang kanyang American citizenship at ang pamilya nito ay pawang mga American citizens din.

 

Giit ni Alejano, dapat na sampahan na ng kasong perjury si Yasay dahil napatunayan ang hindi nito pagsasabi ng totoo sa kanyang citizenship.

 

Tinukoy pa ni Alejano ang discriminating acts ng gobyerno dahil kapag si Yasay ang nagsinungaling ay tanggap ito ng Malacañang pero pag si SPO3 Arturo Lascañas na bumawi sa mga naunang statements sa Senado ay hindi naman katanggap-tanggap.

 

Dagdag naman ni Albay Rep. Edcel Lagman, higit pa sa isyu ng citizenship ang ginawa ni Yasay at tahasan nitong tinawag na "liar" ang kalihim.

 

Hinamon naman ni Caloocan Rep. Edgar Erice ang Commission on Appointments na i-reject ang appointment nito.

Facebook Comments