Year-end bonus at ₱5K cash gift ng mga government employee, matatanggap ngayong Nobyembre —Malacañang

Maagang matatanggap ng mga kawani ng gobyerno ang year-end bonus ngayong taon.

Ito ang inanunsyo ng Malacañang kung saan ilalabas ng Department of Budget and Management (DBM) ang pondo para dito ngayong buwan ng Nobyembre.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, ipapamahagi rin nang maaga ang ₱5,000 cash gift para sa mga kwalipikadong government employee.

Nasa halos ₱64 billion ang pondong inilaan para sa bonus ng mga civilian at uniformed personnel sa ilalim ng 2025 national budget.

Habang ₱9.24 billion naman ang nakalaan para sa cash gift ng mahigit 1.85 million na kawani ng pamahalaan sa buong bansa.

Ang naturang hakbang, aniya, ay bilang pagkilala ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga sakripisyo at dedikasyon ng mga kawani ng gobyerno para sa bayan.

Facebook Comments