Youth organizations, ipinasasama sa disaster preparedness

Manila, Philippines – Dahil sa sunud-sunod na lindol na tumama sa iba’t ibang bahagi ng bansa ngayong taon, ipinasasama ni Quezon City Rep. Alfred Vargas ang mga kabataan para sa disaster preparedness ng NDRRMC.

Sa House Bill 1379 ay hiniling na isama na rin ang mga organisasyon ng mga kabataan sa disaster preparedness and response upang makatulong sa mga apektadong komunidad sa tuwing may kalamidad na tumatama sa bansa.

Sa ilalim ng panukala ay dapat din na may sapat na kaalaman at kakayahan ang mga kabataan sa pagtulong tuwing may krisis.


Kapag may kalamidad aniya ay maraming kabataan ang boluntaryong tumutulong sa rescue at relief operations.

Ang National Youth Commission na samahan ng mga kabataan ay magiging miyembro sa ilalim ng NDRRMC at magsisilbing boses ng youth sector para sa disaster prevention, promotion education, rescue at rehabilitation.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments