98 mga organisasyon ng kabataan sa Maguindanao ang nakatanggap ng relief goods mula sa Bangsamoro Youth Commission (BYC)-BARMM sa pamamagitan ng “Lingkod Kabataang Bangsamoro” program.
Ang bawat organisasyon ay nakatanggang ng sako-sakong bigas, canned goods at noodles.
Ang mga miyembro ay volunteers ang nanguna sa pamamahagi sa kani-kanilang komunidad.
Ang distribution ay sa pakikipagtulungan ng Maguindanao Provincial Government, Sultan Pax Leadership Academy at ng Maguindanao Association of Youth Organization (MAYO).
Layunin ng “Lingkod Kabataang Bangsamoro” na masuportahan ang youth organizations sa rehiyon sa panahong ito ng Covid-19 pandemic.
Layunin din nito na i-capacitate ang mga kabataan sa pagsasagawa ng organization-based humanitarian initiatives sa kanilang mga lugar.
Bukas, May 14 ay magsasagawa din ng distribution para sa youth organizations sa mga bayan South Upi at Upi Proper at sa 63 barangays sa North Cotabato na sakop na ng BARMM.
BARMM PIC