Binili ng YouTuber na si Elijah Daniel ang Hell town sa Michigan, at pinalitan ang pangalan nito ng “Gay Hell”–lugar kung saan tanging Pride flag lang ang iwawagayway.
Ginawa ito ng komedyante at rapper bilang protesta sa pagbabawal ng administrasyon ni Donald Trump na itaas o iwagayway sa mga embahada ang flag para sa Pride month.
“As of today, I am now the owner of Hell, Michigan. I bought the whole town,” sabi ni Daniel sa Twitter kasabay ang larawan niyang nakatayo sa tabi ng town sign na tinapalan niya ng bond paper na may salitang “Gay.”
At para sa unang hakbang bilang may-ari ay pinalitan niya raw ang pangalan nito at tanging Pride flag lang ang papayagan sa lugar.
ahead of pride month Trump’s administration put a ban on embassy’s flying pride flags.
so as of today, I am now the owner of Hell, Michigan. I bought the whole town.
And my first act as owner, I have renamed my town to Gay Hell, MI.
The only flags allowed to fly are pride. pic.twitter.com/AKOcZm2Jvm
— elijah daniel (@elijahdaniel) June 17, 2019
Maaaring bilhin ang Hell town, na ngayon ay Gay Hell, sa halagang $100 kada araw.
Noong 2017 nang bilhin din ni Daniel ang Hell town at ipinagbawal ang mga heterosexual sa bayan bilang mayor nang isang araw.
Hindi na raw palabas lang ang muli niyang pagbili sa bayan dahil ang pakay niya raw ngayon ay: “Getting my audience involved in politics by doing it in a funny way.”
Hindi naman sinabi ni Daniel kung magkano ang binayaran niya para maging mayor nang dalawang linggo, ngunit ayon sa kanya, balak niyang bilhin na nang permanente ang bayan.