Pangulong Duterte Pro Pilipino sa isyu ng hit and run incident sa Recto Bank ayon sa DND opisyal

117

Nanindigan at binigyang-diin ni DND Secretary  Delfin Lorenzana, na maka Pilipino si Pangulong Rodrigo Duterte sa gitna na rin ng mga puna ng publiko ukol sa umano’y malamya  na pahayag ni Pangulo  sa “hit and run” incident sa Recto Bank sa West Philippine Sea.

 

Sa ginanap na forum sa Kapihan sa Manila Bay naikumpara pa ng mga tao ang naging panggagalaiti ni Pangulong Duterte sa isyu ng basura ng Canada pero mistulang malamya naman daw pagdating sa banggaan ng mga bangka sa Recto Bank.


 

Paliwanag ni  Lorenzana, magkaiba naman  ang dalawang sitwasyon dahil isang taon na aniya ang basura ng Canada sa Pilipinas, habang ang insidente naman  sa Recto Bank ay patuloy pang iniimbestigahan ng PCG at MARINA.

 

Giit pa ni Lorenzana, hindi patas na sabihing pinapanigan ni Pangulong Duterte ang China dahil naging maingat lamang ang pangulo sa kanyang mga pahayag sa publiko.

Facebook Comments

From Advertisers