Taiwan, hindi pa magpatutupad ng visa requirement sa mga Pilipinong turista

Hindi pa tuloy sa June 1 ang pagpatutupad ng Taiwan ng visa requirement para sa mga turistang Pilipino.

Ayon sa Manila Economic and Cultural Office (MECO), patuloy pa ang negosasyon ng MECO sa Taiwanese government na huwag nang ituloy ang pagpapatupad ng visa requirement sa Pinoy tourists.

Sa July 31 ng taong ito pinangangambahang tuluyang magtapos ang isang taong extension sa status quo sa non-visa requirement ng Taiwan sa mga Pinoy.


Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang kasama sa visa-exempt program ng Taiwan hanggang sa katapusan ng Hulyo ng taong ito.

Facebook Comments