
Ginawaran ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng posthumous conferment of the Order of Lakandula (Grand Cross) ang yumaong Department of Migrant Workers (DMW) Secretary na si Toots Ople bilang pagkilala sa kanyang serbisyo sa mga Pilipinong nasa ibang bansa.
Ayon sa pangulo, inialay ni Ople ang kanyang buhay sa pagtatanggol at pagtulong sa mga OFW, lalo na sa mga nangangailangan ng agarang proteksyon at suporta.
Sa ilalim ng kanyang pamumuno sa DMW, nakapagtibay ang pamahalaan ng 42 bilateral agreements para palakasin ang karapatan at kapakanan ng mga migranteng manggagawa.
Ipinahayag din ng pangulo ang kanyang panghihinayang na hindi naibigay ang parangal habang buhay pa si Ople, na kanyang inilarawan bilang isa sa pinakamahuhusay na lingkod-bayan na kanyang nakilala.










