ZAMBOANGA CITY – Nagdeklara na ng diarrhea outbreak ang Zamboanga City dahil sa pagdami ng mga pasyenteng tinamaan ng viral infection o ang tinatawag na norovirus.Ayon kay Departent of Health Secretary Janette Garin, ang norovirus ay kumakalat at nakakahawa na nagdudulot ng pamamaga ng bituka.Aniya, mabilis makuha ang norovirus mula sa mga taong mayroon nito maging sa mga kontaminadong pagkain at tubig.Pangunahing sintomas nito ay ang pagsusuka, pananakit ng tiyan, labis na pagdurumi o diarrhea at lagnat.Sa tala ng City Health Office, nasa mahigit 1,000 na ang naitalang bilang ng mga pasyente simula noong marso 28 hanggang sa kasalukuyan mula sa pampubliko at mga pribadong ospital sa lungsod.Sa naturang bilang, lima na ang napaulat na namatay kabilang ang apat na mga bata at isang inmate ng Zamboanga City Reformatory Center.Nabatid na sa 17 mga sample na ipinadala sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM), 14 ang lumabas na positibo sa norovirus.Kaungay nito, naglaan na ang DOH ng karagdagang limang milyong pisong pondo para suportahan ang pangangailanag medikal ng mga tinamaan ng virus.Dagdag ni Garin, patuloy na inaalam kung saan nagmula ang norovirus dahil hindi ito pangkaraniwan sa Pilipinas.Nagsasagawa na rin aniya sila ng pag-aaral para matukoy kung sino ang unang tinamaan ng virus sa bansa.Paalala naman ng DOH na maghugas palagi ng kamay, ilagay sa malinis at maayos na container ang tubig at pagkain para maiwasan ang kontaminasyon at panatlihing malinis ang kapaligiran upang hindi tamaan ng norovirus.
Zamboanga City – Nagdeklara Na Ng Diarrhea Outbreak Dahil Sa Pagdami Ng Mga Pasyenteng Tinamaan Ng Norovirus
Facebook Comments