![](https://i0.wp.com/rmn.ph/wp-content/uploads/2021/05/zamboanga.jpg?resize=696%2C392&ssl=1)
Nakatakdang isailalim ang Zamboanga Peninsula sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) simula bukas, June 1 hanggang 15.
Ayon kay Zamboanga del Sur Gov. Victor Yu, ito ay dahil na rin sa COVID-19 surge sa kanilang rehiyon.
Nabatid na dahil sa pagsipa ng kaso ng COVID-19, puno na at hindi na tumatanggap ng mga pasyente ang Zamboanga del Sur Medical Center (ZDSMC).
Batay sa tala ng Department of Health, may mga pagtaas sa COVID-19 cases sa ilang rehiyon sa Mindanao tulad ng Regions 10, 11, at Caraga.
Facebook Comments