Pahayag ni Pangulong Duterte na nagpapahina sa soberenya ng bansa sa West Philippine Sea, pinapabawi ng Makabayan sa Kamara

Pinapabawi ng mga kongresista ng Makabayan kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga naging pahayag nito na nagpapahina sa sovereign rights at territorial claims ng bansa sa West Philippine Sea.

Sa House Resolution 1790 na inihain ng anim na mambabatas ng Makabayan bloc, iginiit ng mga ito na i-withdraw o bawiin ng pangulo ang pinakahuling pahayag nito patungkol sa West Philippine Sea na nagpapahina sa soberenya ng bansa sa nasabing teritoryo.

Partikular na pinapabawi ang pinakahuling sinabi ni Pangulong Duterte na ang desisyon ng Permanent Court of Arbitration sa panalo ng Pilipinas sa West Philippine Sea laban sa China ay papel lamang na pwedeng itapon sa basurahan.


Pinapa-retract din ng Makabayan ang isa pang pahayag ng Pangulo na ang West Philippine Sea ay nasa buong possession o hawak na ng China na nagpapahiwatig na walang saysay para ipilit pa ng bansa ang legitimate rights at claims nito sa disputed territory.

Bunsod ng mga naging pahayag ng presidente sa West Philippine Sea ay maraming grupo at indibidwal ang nagpahayag ng pagkabahala dahil mukhang isinusuko na ng Pilipinas sa China ang karapatan nito sa ating teritoryo.

Facebook Comments