Zayn malik, naglabas ng bagong single

Manila, Philippines – Pumalo na sa halos dalawang milyong views ang lyric video ng pinakabagong kanta ng British singer na si Zayn Malik na may pamagat na ‘Still Got Time’.
 
Ang naturang upbeat at tropical track ay ang unang single para sa kanyang pangalawang solo album na ilalabas ngayong summer kung saan kasama nito ang Toronto rapper na si Partynextdoor
 
Matatandaang matapos umalis sa One Direction si Malik, siya ang naging kauna-unahang British solo artist na mag-debut sa no. 1 spot para sa isang debut album sa U.S billboard top 200 chart at UK albums chart para sa kanyang album na “Mind of Mine”.
Photo from: cdn.playbuzz.com
 

 
 

Facebook Comments