ZERO CASUALTY SA PAGDIRIWANG NG 2023 BANGUS FESTIVAL AT PISTA’Y DAYAT SA DAGUPAN CITY, NAITALA NG DAGUPAN PNP

No casualties o walang mga naitalang insidente at drowning incidents o pagkalunod sa mga baybayin ang kapulisan sa Dagupan City sa nagdaang selebrasyon ng 2023 Bangus Festival at Pista’y Dayat sa lungsod.
Bunsod umano ito ng humigit kumulang limang daang mga kapulisan ang naideploy sa mga bahagi na kalalagyanan ng maraming tao upang mapanatili ang seguridad ng mga taong dadagsa maging ang pagresponde sa maaaring mga kaguluhang maganap sa okasyon.
Dagdag pa ni Dagupan PNP Chief PLtCl. Vicente Castor ang nasa tatlong daang mga on-the-job trainees na tumulong din sa pagbantay sa mga key points ng lugar na pinagganapan ng mga nasabing selebrasyon lalo na sa Kalutan ed Dalan Street Party sa De Venecia Road.
Ayon pa kay PLtCl. Castor na maayos din ang pagkakatatag ng entrance and exit ng tao, gayundin ang mga sasakyan na dumaan sa kahabaan ng De Venecia Highway at malaking tulong din ang pagkakaroon ng Security Control Checkpoint.
Sa mga baybayin naman, nakaantabay ang mga line agencies at iba pang hanay tulad ng CHO, CDRRMO at mga lifeguards upang matiyak ang kaligtasan ng mga dumayong beachgoers sa lungsod.
Facebook Comments