Mas lalo pang palalakasin ng Local Government Unit ng Buldon at Maguindanao Police Office ang kanilang samahan para na rin mamentina ang katiwasayan at maipagpatuloy ang mga nasimulang Peace Initiatives at mga programa para sa buong bayan.
Kahapon, matapos mabisita ang kanyang tropa sa Municipal Police Station , nagkaroon ngpagkakataon na makapag-usap si Maguindanao PPO Director Arnold Santiago at Buldon Mayor Abolais Manalao.
Nauna na ring inihayag ni Mayor Manalao na suportado nito ang lahat ng mga ginagawang adbokasiya at kampanya ng mga kapulisan ng Buldon, sa katunayan aniya, katuwang ng LGU ang mga kapulisan sa kanilang mga programa.
Kabilang na rito ang ginagawang Rido Settlement o pag-aayos ng mga umuusbong na mga away -pamilya, kampanya kontra illegal na droga at terorismo.
Ipinagmalaki rin ni Mayor Manalao na halos mahigit 4 taon na ring walang narinig na putok ng baril sa kanilang bayan matapos ilunsad ang Balik Baril Program. Wala na rin aniyang mga untoward incident na nagyayari sa bayan.Malaking tulong rin aniya ang implementasyon ng Martial Law.
Pinasalamatan rin ni Mayor Manalao ang di matawarang tulong ng mga kapulisan sa LGU, isa aniya sa naging katuwang nila ang kapulisan para makamit ang natatanging parangal mula DILG sa dalawang magkakasunod na taon , ang SGLG Award.
Zero Crime Target ng Kapulisan at Buldon LGU
Facebook Comments