Zero death, naitala ng QC kaugnay ng COVID-19 pandemic

Mula kagabi ay walang naitalang binawian ng buhay dahil sa COVID-19 sa Quezon City.

Batay sa impormasyon na inilabas ng QC Health Office, nananatili sa 215 ang bilang ng mga nasawi sa lungsod.

Nadagdagan naman ng 54 ang bilang ng mga gumaling na sa kabuuan ay mayroon ng 1,476 na nakarekober.


Naitala na sa 2,772 ang nagpositibo sa COVID-19 sa QC, matapos madagdagan kagabi ng 47 cases.

Nabawasan naman 52 ang total validated cases na mayroong 2,657.

Habang bumaba rin sa 961 ang active COVID cases sa lungsod.

Facebook Comments