Lokal na pamahalaan ng Makati, mamamahagi ng ₱3,000 sa mga empleyado ng City Hall bilang anniversary bonus

Inihayag ng Makati City Government na makatatanggap ng tig-₱3,000 bilang anniversary bonus ang bawat 7,310 mga empleyado ng City Hall simula sa Lunes, June 22, 2020.

Ayon kay Makati Mayor Mar-Len Abigail ‘Abby’ Binay-Campos, mula sa nasabing bilang, 3,425 ay mga regular na empleyado, 3,876 casual at siyam naman ang contractual na mabibigyan ng naturang insentibo.

Ngayong buwan, nagdiriwang ang Makati City ng ika-350 anibersaryo.


Subalit, dahil sa COVID-19 pandemic, kanselado ang lahat ng pagdiriwang ng anibersaryo ng lungsod ngayong taon.

Facebook Comments