Zero-interest loan, alok ng DA sa mga meat vendor sa Metro Manila

Palalakasin ng Department of Agriculture (DA) ang vendor associations sa Metro Manila public markets sa pamamagitan ng alok nitong zero-interest loan.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, palalawigin nila ang zero-interest loan bilang operating capital ng mga market vendors’ associations sa Metro Manila.

Sa pamamagitan nito, makakabili ang mga meat vendors ng baboy direkta mula sa hog raisers at ilang agri commodities mula sa farmers cooperatives at associations.


Dahil dito, pwede nilang ibenta ang kanilang produkto sa tapat na presyo sa mga consumers sa Metro Manila.

“We are initiating this market vendors’ financing program to institutionalize mutual partnership between them and FCAs, and create a ‘win-win’ situation benefiting producers, retailers and consumers alike,” sabi ni Dar.

Sa ilalim ng financing program, maaaring mag-avail ang mga market vendors’ associations ng hanggang ₱5 million bilang working capital at wala itong interest na maaaring bayaran sa loob ng tatlo hanggang limang taon.

Pwede nilang gamitin ang pondo pambili ng fishery products sa kooperatiba habang ang Agribusiness and Marketing Assistance Service ay tutulungan ang mga market vendors na lumagda sa isang marketing agreement sa mga farmers cooperatives.

Facebook Comments