Zero Value Added Tax, isinulong ni Rep. Barzaga

Pinabubuwag na ni Cavite 4th district Rep. Kiko Barzaga ang pagpapataw ng 12% value added tax o VAT.

Nakapaloob ito sa inihain ni Barzaga na House Bill 5119 o panukalang “Zero Value Added Tax.”

Diin ni Barzaga na panahon na para magba-bye o magpaalam sa VAT na ipinapataw sa mga produkto at serbisyo.

Ayon kay Barzaga, ang VAT ay dagdag pasanin lang sa mga pangkaraniwang mamimili lalo na sa mga mahihirap, gipit, walang trabaho, at nasa middle class.

Giit ni Barzaga, kailangang repasuhin ng Kongreso ang VAT system at humanap ng ibang mapagkukunan ng kita ang pamahalaan na patas para sa lahat.

Facebook Comments