Zone 2, Barangay San Francisco, Naga City, Naka-lockdown Kaugnay ng Nurse na Nagpositibo sa Covid19

Isa pang empleyado ng Camarines Sur provincial capitol ang nagpositibo sa covid19. Siya ay may exposure sa patient number 60 na empleyado rin ng nasabing LGU at residente ng bayan ng Tigaon, Camarines Sur.
Ayon sa report ng DOH Bicol-CHD, ang pasyente ay isang 32 year-old nurse na nagtatrabaho sa provincial health office sa bayan ng Bula, Camarines Sur pero residente ng Brgy. San Francisco, Naga City.
Napag-alaman din na asymptomatic at wala namang travel history ang nasabing nurse.
Kasalukuyang naka-confine sa Bicol Medical Center ang nasabing nurse, gayundin ang naunang lalaking edad 41 nagpositibo sa covid19 na empleyado rin ng nabanggit na LGU.
Kaagad din namang ipinatupad ang lockdown sa Zone 2, Barangay San Francisco, Naga City simula ng Sabado ng gabi at isinailalim sa quarantine facilities ng Naga City ang iba pang myembro ng pamilya ng nabanggit na nurse. Samantala, ibinalik na ang mga check points sa mga strategic locations sa Naga City. Ito ay matapos alisin ng local government ng Naga City ang mga ito dahil sa banta ng bagyong si Ambo noong nakaraang Huebes.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments